Ang buhay hindi palaging aayon sayo, hindi palaging masaya at lalong hindi mawawalan ng problema. Napakahirap pumasok sa eskwela at humarap sa pamilya ng punong-puno ka ng problema dahil takot kang baka kapag kinamusta ka nila bigla nilang makita ang luha sayong mga mata. Takot ka na baka isipin nilang mahina ka at tinatanggap mong talunan ka. Hindi maiiwasan na ang mga kasama mo ay hindi naniniwala sa kakayahan mo. Yung puntong para kang dumadaan sa butas ng karayom upang matuwa lang sila sa iyo. Napakataas ng expectation nila sayo na minsan naiisip mo na "Kaya ko bang maabot ito?Kaya ko bang ibigay lahat ng kanilang gusto?". At dahil sa kagustuhan mong matuwa sila sayo ginagawa mo ang lahat kahit labag pa ito sa loob mo. Subalit sa halip na matuwa sila sa mga magagandang nagawa mo ang tanging napapansin lang nila ay ang pagkakamali mo kahit pa napakaliit nito. Sa bawat galaw o kilos na iyong ginagawa palagi mong iniisip kung sila ba ay matutuwa. May pangamba na baka mahusgahan ka nila kaya di mo napapansin na hindi ka na pala masaya. Nakangiti ka sa harap ng iba pero kapag ikaw nalang mag-isa mapapatanong ka nalang ng "Nasaan na yung kanina?". Hindi madali ang mapunta sa ganitong sitwasyon ngunit wala ka namang magagawa kundi harapin at tanggapin ito dahil ganitong mundo ang kinagisnan mo. Kailangan nating maunawaan na ganito ang mundo at hindi natin maiiwasan ang expectations ng tao. Nasa iyo kung pano mo nalang haharapin ang lahat ng ito. May kakayahan kang mamili sa pagitan ng magpapakontrol ka sa sinasabi ng iba o gagawin mo kung ano talagang nagbibigay ng kasiyahan sayo. Hindi mo naman kailangan na paniwalain ang sarili mo sa kasinungalingang masaya ka habang ginagawa yung kailanman ay hindi mo ginusto. Hindi mo kailangang isipin palagi kung huhusgahan ka ba nila kapag may nagawa kang hindi maganda dahil kahit anong gawin mo at kahit san ka lumingon lahat ng tao may masasabi sayo. Huwag mong hayaan na sila ang magdikta kung kailan ka pwedeng maging masaya. Sapagkat kapag nasa totoo ka ng laban wala ka namang makakapitan kundi ang sarili mo lang. Baguhin ang pananaw at piliin mo naman ay ikaw. Binigyan ka ng Diyos ng sariling isipan upang gamitin sa sariling kapakanan. Manindigan ka naman para sayong tunay na kasiyahan dahil alam kong madaling magpanggap na masaya kahit pa konti nalang pasuko ka na. Huwag mong hintayin na pati sarili mong kakayahan ay iyo ng pagdudahan. Hanapin ang liwanag sa gitna ng kadilim at magtiwalang muli na kaya mo pang ngumiti. Paligiran mo ang iyong sarili na mga taong magbibigay sa iyo ng lakas ng loob para patuloy na lumaban sa hamon ng buhay. Isipin na sa bawat problema ay may inihandang solusyon at plano ang Diyos kaya patuloy lang sa laban aking kaibigan.
Nicole Moog
Linggo, Setyembre 22, 2019
MASAYA KA BA TALAGA?
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)